United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa m~ga paggauá at sa boong caasalan: n~guni ang lahat nang bagay dito sa mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na lampasán. Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui, n~guni alalahanin na ang ating man~ga casangcapan, damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo.
Ang pagsasalitá ay sasayahán, ilagay sa ugali, ituntóng sa guhit, houag hahaluan nang cahambugán, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinagót nang causap. Fúú, Fúú , na ang cahulugán ay, habagat, habagat. Huag magpalampás nang sabi at baca maparis doon sa isang palalo na sinagót nang caharáp: hintay ca muna amigo,t, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.
Salita Ng Araw