United States or Bosnia and Herzegovina ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ito'i, aquing pauaualán sa tubig nang caragatan, isilíd mong ulí naman sa frascong quinalalag-yan. Isa ma'i huag magculang sa negritong pauaualán, huag namang mapalita't, capalit ang iyong búhay. Pinaualán nanga rito labing dalauang negrito, at nag-uica nang ganitó ang haring si don Salermo. Sa umagang mag-almusál sa lamesa cong cacanan, maquiquitang ualang culang negritos cong pauaualán.

Ang sagót nila at saysay sa hari nilang magulang, capua ibig magtangan nang corona't, cetrong mahal. Nang itó ay maringig na nang haring canilang amá, pinaturuan na sila na humauac nang espada. Sa Dios na calooban sa canilang pag-aaral, di nalao'i, natutuhan ang sa armas ay pagtangan. Ito'i, lisanin co muna yaong pagcatuto nila, at ang aquing ipagbadyá itong daquilang monarca.

At sa lupang calaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante't, serpienteng hunghang. Cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga-patáy pagdaca manga princesa'i, dinalá. Nang ito'i, mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaán at sila'i, benendicionan. Itong hari'i, may tuá man sa manga princesang tagláy, malaqui ring calumbayan sa anác na cay don Juan.

Ito'i, sucat na pagmasdan nang anác na sino pa man, sinong di matacot naman sa castigo nang magulang. Sa malaquing tacot niya sa búhay na macucuha, nagtaanan capagdaca at siya'i, umalis na. Nguni aquin munang lisan ang pag-alis ni don Juan at ang aquing ipagsaysay ang hari niyang magulang. Nang siya ay maguising na nagtuloy nanga sa jaula, ang pintó ay nacabucá at ang ibon ay uala na.

Yáo nanga't, lumacad na magcapatid na dalauá, cabunducan ang pinunta si don Jua'i, quiniquita. Ito'i, aquing pabayaan na pag-lalacad sa párang, ang aquing ipagsaysay ang principeng si don Juan. Doon naghinahán siya sa bundóc niyong Armenia, tantong caliga-ligaya sa tanang bundóc na ibá. Ang cahoy sa caparangan cauili-uiling pagmasdan, ang damó'i, gayón din naman sadyáng nangagdiriquitan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap