United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bucod dito ang isa pang totoong cailan~gang gauin sa tila patay, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco; ang paraan nang pagsumpit doo,i, ualang liuag. Magpatay capagcaraca nang isang manoc na malaqui, at ang caniyang buche, ay linising maigui. Maghanda ca naman nang dalauang cauayang mumunti, na isosoot doon sa dalauang butas nang buche nang manoc.
Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa simbahan at sa lansan~gan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa batá ó binata, sa may asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang mata at quinauiuilihan nang loob.