United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ipinalálagay n~g m~ga táong may culay, na sila'y ucol sa m~ga dapat uyatín at pawaláng halagá, baga ma't sila'y m~ga táong mahal na lubós, palibhasa'y isáng sacsìng nagpapatotoo n~g canilang pinangalin~gan ang canilang pagmumukhâ, at ang bágay na ito'y siyáng sa canila'y nacapagbíbigay n~g cakimian, dahil sa talastás niláng sa canila'y pagpapawaláng halagá n~g m~ga taga Europa: masamâ ang pagtin~gîn n~g m~ga europeo sa m~ga tagalog; anó máng waláng cabuluháng pagcacamalî nitó, na mangyayáring gawín din namán n~g cahi't dalisay mang lahî n~g isáng tubò sa Montmorency, ay linílibac n~g m~ga europeo, at isinisiwalat nila sa pananalitáng: "¡anó n~gâ bagá ang maaasahang gawíng mahusay n~g isáng taong may cúlay!"
Umugong doon ang m~ga tacapan, waswasan n~g camáy, guirian, sigawan, laitan at murahan: canilang iniwatawat ang lahat n~g m~ga carumihang canilang iniin~gatan sa canicanilang cabán, at sa pagca't sabáy sabáy na nagsasalita ang apat at maraming lubha ang canilang sinasabing nacasisirang puri sa m~ga tan~ging pulutong n~g m~ga táo, na canilang isinisiwalat ang maraming catotohanan, cúsang tinatangguihan namin ang pagsasalaysay rito n~g laha't n~g canilang doo'y m~ga sinabi sa isá't isá.
Salita Ng Araw