United States or Falkland Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang mga abogado na kapag nagtatanggól sa isáng paglilítis, ay walang nalálakasán kundî payák na pahángin at daldal, mga paikot-ikot at walâng katuturáng pangungúsap, ay paraparang kinasúsunukán, kinarírimaríman at hindi pinagdídidiníg sa loób ng mga hukúmang ináabot ng liwánag ng siglo XX... Ang tinatangkílik, ang kinasasabikán, ang dinídinig, ang kiníkilingan, di man sinasadyâ, ng hiyáng ó simpatía ng isang taál at pantás na hukom, at yaóng abogado na di nagaaksáya ng salitâ, yaóng di nagsasalitâ kundi kailángan, yaóng maalam ihayág ang ibig sabihin sa íilan at pinilìng salitâ, yaóng malumánay, banáyad, dapwa't matibay at matalínong mangangatwíran, yaóng bawa't bigkasín ay may kahulugán, bawa't isalaysáy ay malínaw at mahúsay iyán ang túnay na abogadong dapat kilalánin ng lahat.

Hindi kita naging palad na gaya ng aking pagasa . Ang mga ganitong bagay ay hwag mo ng hihintin ko pang isalaysay sa iyo. Anopa't ikaw na ang bahalang magtanong sa sarili mong gunita kung ano ang kahulugan ng sinabi ko: hindi kita palad at ako naman sa iyo ay gayon din. Nalalaman mo Eduardo, na, ni kahit saglit ay hindi na kita maaaring magkausap pa.

Usap nila'y patdin at ang isalaysay ay yaong dumating na bunying General hindi makilala ang tunay na n~gala't Konde de Kastilya kung tawagin lamang. N~guni't nagpasabi yaong Haring Ama na makipagkita ang Dama't Princesa sa General na panauhin nila't ugali nang man~ga mahal na talaga.