United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Paglabás ni Edipo sa tiyan n~g caniyang iná, ay ibinigay n~g amá sa isang pastor, at ipinapatay, sa pagca,t, ang sabi sa Oráculo ni Apolo na ang sangól na itó ay cun lumaqui, ay siyang papatáy sa caniyang amá, sa aua n~g pastor ay isinabit na lamang n~g patiuaríc sa isang cahoy sa bundoc; sa cai-iyac n~g sangól ay naraanan ni Forbante, pastor ni Polivio, na Hari sa Corinto at ibinigay sa Reina Merope na asaua ni Polivio; ang Reina sa pagca,t, ualang anác, ay pinarang anác ang sangol.
Lucio Dominico Nerón, malupít na emperador sa Roma; ipinapatáy niyá ang canyáng ináng si Agripina at si Britânico, hinatulang mamatáy ang tagapag-alag