United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tingnan mo esposo,t, aquing sasabihin nang na sasa pulóng aquing cacaonin, sulat na cartilla,i, sinaysay sa aquin tanang significa ay ipinalining. Di sucat mamangha ang puso mo,t, loob sa canitang anác maalam at talós, pag quinacasihan niyong Poong Dios daig pa n~ga,t, talo ang nan~gag estudios.
Salamat sa Dios at sa Ináng Vírgen di na magluluto tayo nang cacanin, mabuti at iyo na ipinalining ang casangcapan mo,i, sinabi sa aquin. Ani Juan Tamad esposa cong hirang daluang anác natin ay anong pan~galan, ibig cong matanto sa iyo,t, maalman man~ga n~galan nila sa aquin ay turan.
Sa aua nang Dios at Vírgen María niyong macacain nag tamóng guinhaua, inulit cay Juan niyong canyang iná baquit sa primero,i, balat ang dinala. Ang cay Juang Tamad na ipinag turing iná po,i, di baga yao,i, bitoo rin di ninyo sinabi at ipinalining bitoong may lama,i, siya cong cucunin.