United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Dapat cong acaláing hindî pô cayó nagbíbirô sa akin ang mulîng sinabi ni Ibarra n~g macaraan ang iláng sandalíng hindî siyá umíimic! ¿Masasabi pô bâ ninyó sa akin cung bakit siyá'y nasasabilangguan? Nag-anyóng nag-iisip-isip ang militar. Ang aking ipinagtátacang totoo'y cung bakit hindî ipinagbigay alam sa inyó ang nangyayari sa inyóng familia.