United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hanggang dito ang naging salitaan n~g magale, sapagka't si donya Basilia, na sinasasal na yata n~g antok, ay nagtindig noon din at ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog na. Kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni Elsa sa kanyang tia Basilia na huwag muna sanang ipamamalay kay manang Magda, kung ito ay magising na, ang kanyang pagkapagasawa kay Tirso.