United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano.

Sa pagluhód namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang matá, itinuturo na itun~ ang ulo, at nang houag malibáng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang sermón, ay tinutulutang umupó cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcayád, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang upòng ito, at tila ucol lamang sa hayop.

Caiñgat ñga cayo sa man~ga masasamang libro,t, casulatan, sapagca,t, dapat ninyong tantoin na may isang cautusan ang santa Iglesiang Ina natin na ipinagbabaual ang pagbasa nang man~ga masasamang libro,t, casulatan, pati nang pag-iin~gat at pagcacalat noon; at ipinag-uutos pa na ang sino mang magcamayroon nang gayong libro,i, ibigay agad sa man~ga Puno nang santa Iglesia, sa Confesor cun sa Amang Cura caya; at cun sacali,t, di maibibigay ay sunuguin man lamang tambing.

Caya n~ga ualang maimatouid ang maraming bumabasa nang man~ga librong limbag ma,t, sulat camay, gaya nang man~ga cay =Rizal=, na ang itinututol nila,i, di pa =ipinagbaual=; sapagca,t, cun di pa tan~ging ipinagbaual, ay =baual= na talaga, ayon sa man~ga cautusang sinasaysay na; at bucod pa sa rito,i, capag naquiquitang may lason nang man~ga erejía at man~ga lisiyang aral ay ipinagbabaual nang catutubo nating bait, na nagpapaquilala sa ating yao,i, utos nang Dios.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap