United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang gagauin n~ga roon ay gayon: Hihipang agad sa bibig nang totoong lacas na paghihip, nang magpatuloy ang han~gin sa baga nang tila bangcay. Datapoua ang ilong ay tatacpan, ó cun hipan sa ilong ay cailan~gang tacpan ang bibig. Ang babayi ay ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo, at cacalaguin ang lahat na tali sa catauan niya.
Ang tauong tila patay sapagca natamaan siya nang lintic, ó dahil sa man~ga sinabi co n~gayon, ay huhubdan nang damit, at ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo sa lupa, at lalong magaling sa muthaan. Pagcaraca,i, hihipan sa bibig, ó sa ilong para nang turo sa párrafo 457. Bubusan siyang parati nang maraming ban~gang tubig na malamig sa boong catauan, lalo pa sa muc-ha,t, dibdib.
Ang gagauin doo,i, gayon: Pagca nahan~go na sa tubig ang nalunod na tauo, ay dadalhin sa lugar na tuyo; huhuboan doon nang damit; ipahihiga doon nang pataguilid, at doroonan nang unan sa ilalim nang ulo, cucuscusin ang boong catauan niya nang malacas nang man~ga damit na tuyo, na idinadarang sa apoy, upan din masaol-an nang init ang catauan.
Salita Ng Araw