United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !
Malaquing totoong dalang catouaan alin mang bintana na canyang dun~gauan, ay jardineria,t, sari-saring bagay nan~ga mamacetas sadyáng caban~guhan. Ipagparito co sa haring monarca bunying si D. Feliz amá niyang sinta, isang arao n~gani nanunun~gao siya sa real palacio loob ay nagtacá.
Ipagparito co muna magcapatid na dalauá, ang paghanap sabihin pa cay don Juang bunsó nila. Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, canilang napatunguhan ang Armeniang cabunducan. Doon nga nila naquita ang bunsóng capatid nila, si don Diego'i, nag-uica na nang ganitong parirala. Cun dalhín ta si don Juan sa Berbaniang caharian, quita ang parurusahan nang haring ating magulang.