United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Samantala'y pinagbabalaan si Despujol n~g m~ga fraile at n~g m~ga castila, na cung dî niya ipararákip agád si Rizal at ipabíbilangò ay ipalálagay niláng casabuat siya nito sa tacsíl na acalang pag-labag sa capangyarihan n~g España. Gulong-guló ang ísip ni Despujol; cung dî niya sundin ang m~ga fraile at m~ga castila'y siya ang lubhang nan~gan~ganib mapahamac, at cung sundin naman niya'y tampalasan siya sa isang táong walang ibang casalanan cung dî ang pag-sintang maalab sa kinamulatang bayan. ¿Ano ang dapat niyang gawín? Itó ang madalás niyang tanong sa sarili. Nagtagumpay, sa cawacasan, ang pag-ibig sa sariling catahimican; caya't umisip siya n~g paraang dapat ipagpahamac cay Rizal. Ipinag-utos niya sa lahat n~g m~ga puno n~g guardia civil veterana dito sa Mayníl