United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magpahanga n~gayo,i, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca guising sa umaga,i, malicsing baban~gon, sasandatahin ang cruz, maninicluhod ca,t, magpupuri sa Dios, magpapasalamat at iniadya ca sa madlang pan~ganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingcód sa caniyang camahalan sa arao na iyon Dios ang unang bigcás nang labi mo, at palibhasa,i, Dios ang unang isip mo.

Cun magca loob na, ay lalong daquila ang catungculan ninyo sa inyong anac: ang pag tuturo nang man~ga catotohanang icaquiquilala at ipaglilingcód sa Dios, ang pagbibigay nang magandang halimbaua, ang pag iin~gat na siya,i, magcasala, ang pag lalagay estado. Ang lahat nang ito ay natatalá sa man~ga sulat ni Urbana, sa Pláticas Doctrinalas, at sa man~ga sulat co naman.

Idinagdag co rin naman dito na sa pagtitiis nang anomang cahirapan, ó pagcacamit nang anomang caguinhauahan ay hindi lamang ang dapat han~garin ay ang magandang capalaran sa buhay na ito, cundi lalonglalò na ang maguing daan nang ipaglilingcod sa Dios at ipagcacamit nang caloualhatiang ualang hangan.

Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa m~ga paggauá at sa boong caasalan: n~guni ang lahat nang bagay dito sa mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na lampasán. Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui, n~guni alalahanin na ang ating man~ga casangcapan, damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap