United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Laquing hirap nang ina, na siyam na buang pagdadalang tauo, sa boong panahón nang pag papasuso, at gayon din naman ang ama, sa pagquita nang ipacacain sa asaua,t, anac; at lalong mahirap sa pagtuturo sa anac nang man~ga catotohanang icaquiquilala sa Dios, sa pag lalagay sa estado.

Ang nagcacasaquit nang gayo,i, malauon bago lumacas na para nang dati. Dito sa saquit na ito, ay cailan~gang totoo ang magaling na han~gin. Caya n~ga doon sa quinadoroonang silid nang maysaquit ay cailan~gang magsunog na mamisan-minsan nang suca , at ang isang don~gauang parating bucas. Anomang ipaiinom ó ipacacain sa maysaquit ay lalahucan nang maasim.

Cun baga malaqui ang lagnat, pati nang pagsaquit nang bibig, at mahirap ang paglon-oc ay sasangrahan sa camay ang maysaquit. Ang ipacacain doo,i, ang linugao.

Ang mabuti doo,i, gayon: Ang bata houag pasusuhin nang babaying maysaquit, hangan di mauala ang caniyang masamang pagcaramdam; ang bata,i, susumpitin naman, at paiinumin nang maraming tubig na malamig; ang ipacacain sa bata sa dalaua ó tatlong arao ay atole ó tinapay na durog sa tubig, na ualang gatas. Magaling din ang maná, na cahati ang timbang.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap