United States or Cayman Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa iyo n~ga, ¡aba Trinidad Santísima! iniaalay at inihahayin nang totoong pananaguisuyu,t, pagpapacababa at tunay na pan~gan~gayupapa niring loob co itong Novenas, na baga man munti sa tin~gin, ay ang tun~go,i, calaquilaquihan.

Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan.

Ang mga bulaklak ay iniaalay at isinasabog niya sa ibabaw ng libing ni Daniel Perez, ang kanyang asawang nagpakamatay sa sarili nang dahil sa pagsusukab ng asawang ngayon ay siyang dumadalaw sa kanyang libing, nagsisisi at lumuluha. Kaawaawang Leonorang nagluksa sa buhay! At, hindi nga magbabalik ang lahat. Natapos na ang lahat ng kaligayahan sa buhay ni Leonora.

Binabayaran n~g Dios n~g sagana ang iniaálay sa camay n~g duc-ha, ang cay Margaritang handog at calin~ga pinatiticman na dito pa sa lupa. Yaong na sa lan~git na caligayahan na tantong malaking capakinaban~gan niyong calulua,t, naguiguing dahilan n~g pagpapaualang halaga sa buhay.

Ang halimbauang iniaalay sa inyo, ay isang familia ó mag anac. Sa magcacapatid, na dito sa loob nang libro,i, aquing sinasaysay, ipinatatanao co ang magandang pag aral nang magulang sa anac, at ang pagtangáp nang anac nang aral nang magulang. Sa pan~galang "Urbana" nababasa ang magaling na paquiquipag capoua tauo.

Ang arao na ito bagong nagcacalat nang tanglao sa mundo nang masayang sinag iniaalay co nang boong pagliyag sa iyo, daraquilang Poong sacdal taas. Maamo mong mata ay iyong itunghay sa baua,t, sandali sa aba cong lagay, at iyang camay mong macapangyarihan ay iligtas aco sa capanganiban.

Saca cung lumalo putoc na sagunson isibasib nila tabac na pang-lulong hangang sa tumachó yaong mga buhong huag ititiguil ang tagang palacol. JOSEFO. Gayon ñga ang gaua!... caya cung uariin ng aquing pasiya, puso at panimdim mga buhay nilang catulad ng atin iniaalay na sa mga patalim.

Pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae n~g isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat ó makalimang iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay iniwiwisik ang alak sa pusò n~g baboy.

Ang man~ga bulaclac ay iniaalay sa hindi nagmana sa sala ni Adan, na siyang sampagang sadyang caban~guhan sa masayang jardin niyong calan~gitan. Sari-saring rosas siyang dinadala niyong mabait na anac ni Maria, at taglay sa puso ang toua,t, ligaya niyong paghahandog sa canilang Reina.

N~gayo,i, naqui-quita cong bucás ang dibdib mo, at natatanao co ang malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang capangyarihan, na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.