United States or Kenya ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinutulan n~g boong tapang ang m~ga sumbóng n~g fiscal, inisaisang hinimay ang canyang m~ga sacdál, ipinaliwanag na walang ano mang casalanan si Rizal, sinaysay ang masun~git at dî wastong pag-uusig sa canya n~g m~ga caaway n~g caliwanagan, at sa cawacasa'y sinabing lihis sa catowiran at sawî sa m~ga cautusan ang cahin~gian n~g fiscal, na ipapatay ang canyang ipinagsasangalang, at hinihin~gî niyang kilalanin ang pagca walang casalanan nitó at bigyang calayaan.