United States or South Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Hintay kayo't may iba naman akong nakikita! ang biglang hadlang ni Dioni, saka patagong inihudyat ang isang babae't isang lalaki pang may kapunapuna ring palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa kinaroroonan nila, Nakikilala ko ang lalaki: si abogado X *, n~guni't ang babae'y.... ¡Ah, ako ang nakakikilala pati sa babae! isinaklaw ni Elsa.
Dioni, ang tawag mayamaya n~g mestisa. ¿Baka naiinip ka na? Kung hindi kayo naiinip ay hindi rin ako ...-masiglang itinugon n~g tinukoy. Hindi kami mangyayaring mainip, Dioni, sapagka't mayroon kami rining isang nakapupukaw n~g loob na panoorin, pan~giti namang ikinatlo ni Tirso, saka inihudyat n~g n~guso ang dalawing pinanonood sa gawing padako kay Elsa.
Salita Ng Araw