United States or Malta ? Vote for the TOP Country of the Week !
Inalipád sa itaas nang malabay niyang pacpac, saca po caringat dingat sa harapan mo'i, lumagpác. Caya mahal na diosa huag cang mag-ala-ala, sa Dios ito'i, talagá tangáp ang hain cong sinta. Ang sagot ni doña Juana na cun may tapang cang dalá magtulóy na pumanhic ca at dini mag-usap quita. Pumanhic na capagcuan ang príncipeng si don Juan, at nuha nang silla naman ang dalaua'i, nag-agapay.
At sa aquing pangangarap aco'i, agád inalipad, camuc-há'i, ibong may pacpác dito aco inilagpac. Hindi co nga máalaman itó pong lihim na lugar, sa Dios na calooban cun caya po natutuhan. Cayá mahal na princesa huag cang mag-ala-ala, ang Dios ang may talagá cayá tangáp yaring sintá. Sagót nang princesa't, sulit magtulóy ca pong pumanhíc, at nang iyo pong mabatid handóg mong sintá sa dibdib.
Salita Ng Araw