United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nalalaman cong lahát, sa pagca't n~g una'y aco'y mayaman! N~guni't ang taong sinasabi co po sa inyo'y hindi cawan~gis n~g m~ga ibá: siya'y isang anác na inalimura dahil sa pag-aala-ala sa canyáng amá; siya'y isang binata, na sa pagca't hindi malalao't magcacaasawa, nag-iisip isip siya n~g sa panahong darating, n~g isáng magandang casasapitan n~g canyáng m~ga anác.