United States or Côte d'Ivoire ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagdaka'y hinawakan ang kamay ni Elena at inalapit sa lumulundag niyang pusò. "Abá! hindî!... aywán ko! hindî!... abá!" ang sunod-sunod na pagbabangong-puri ng dalagang nagpúpumiglás. "Ah, Elíng! Huwág mo nang ikaít sa akin ang tibók niyáng iyong pusò. Ipagtapát mo na! Hindî mo ba ako iniíbig, Elíng?"
Lalòng nagtumúlin ng lákad ang demónyo at saka tumigil ng biglâng-biglâ. Dinukot sa bulsá ang isang aywan kung anó, bago inalápit sa mga labì. Hinipan. Ang tunóg ay katúlad ng huni ng ahas. Noon di'y pahangos na tumátakbo sa kanilang kinatatayuán ang isáng... ¿aswáng na kayâ?... putót na putót ng damit na itím tulad sa itím ng gabí.