United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Acó po'y si Alfonso Linares, na inaanac n~g inyóng bayáw ... ang pautál na sinabi n~g binata. Lumiyad si pari Dámaso, mulíng minasdan ang binata, sumaya ang mukha at nagtindíg. ¡Aba, icaw palá ang inaanac ni Carlicos! ang biglang sinabi at siya'y niyacap; halica't n~g kita'y mayacap ... may ilang, araw lamang na catatanggap co pa n~g canyang sulat ... ¡abá, icaw palá!
Tinun~go niya ang "caida" upang doo'y maibulalas niya ang canyang capighatian, sa lilim n~g m~ga gumagapang na halaman sa durun~gawan ni Maria Clara. ¡Pagcalakilaki n~g canyang pag-ibig sa canyáng inaanac! ang sapantaha n~g lahat. Pinagmamasdan siya ni fray Salví na hindi cumikilos at hindi umiimic, at nan~gan~gagat labi n~g bahagya.
Ikinaliligaya cong ipakilala sa inyo ang aming pinsang si don Alfonso Linares de Espadaña! ani doña Victorina na itinuturo ang binata; ang guinoong ito'y inaanac n~g isang camag-anac ni pari Dámaso, tan~ging kalihim n~g lahat n~g m~ga ministro.... Bumati n~g calugodlugod ang binata; unti n~g hagcan ni capitang Tiago ang canyang camay.