United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ibig niyá sanang manalan~gin, n~gunit ¿sino ang macapananalan~gin pagca nagn~gin~gitn~git sa malakíng hirap? Nananalan~gin pagca may pag-asa, at cung wala'y nakikiusap tayo sa Dios, sa pamamag-itan n~g m~ga buntóng hinin~ga. "¡Dios co! ang sigaw n~g canyáng púsò", ¿bákit inihihiwalay mo n~g ganyán ang isáng táo, bakit ikinácait mo sa canyá ang pagsintá n~g m~ga iba?
Sa loob n~g tatlóng daang taó'y silá'y hinahalina natin, hinihin~gan natín silá n~g pagsintá, minímithî nating tawaguin siláng capatíd, ¿anó ang caniláng isinaságot? Tayo'y sinasagot n~g lait at paglibác, at ikinacait sa atin patí n~g ating calagayang pagca tao na gaya rin n~g ibá. ¡Waláng Dios, waláng pag-asa, waláng habág sa capuwa tao; wala n~ga cung di ang catuwiran n~g lacás!
Hindî mo ikinacait sa canyá ang iyong araw, ang iyong han~gin at hindî mo man lamang itinatagò sa canyáng m~ga matá ang iyong lan~git, ¿bakit ipagcacait mo sa canya ang pagsinta, gayóng walâ mang lan~git, walâ mang han~gin at walâ mang araw ay mangyayaring mabúhay, datapuwa't cung walang pagsinta'y hindî mangyayari cailan man?