United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos.
Násoc na nacapugay ang isáng matandáng lalaki. Marami ang nan~gagtawá pagcakita sa canyá, ikinunót ang m~ga kílay n~g iláng m~ga babae. Tila mandín hindî pinúpuna n~g matandáng lalaki ang gayóng m~ga ipinakikita sa canyá, sa pagcá't napatun~go siyá sa buntón n~g m~ga bun~gô n~g úlo, lumuhód at may hinanap sa loob n~g iláng sandalî sa m~ga but-ó; pagcatapos ay main~gat na inisaisáng ibinucód ang m~ga bun~gô n~g úlo, at sa pagca't hindî mandín makita niyá ang canyáng hinahanap, umilíng, lumín~gap sa magcabicabil