United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't lumápit ang sanlazarohín sa baculan, kinuha ang hiyás na cumináng sa canyáng m~ga camáy, lumuhód, hinagcán ang hiyás na iyón, at saca nagpugay at bago isinubsób ang canyáng noó sa alabóc n~g bacás n~g dalaga. Ikinublí ni María Clara ang canyáng mukhâ sa canyáng abanico at dinalá ang panyô sa canyáng m~ga matá. Samantala'y lamapit ang isáng babae sa culang palad na anaki'y nagdárasal.
At ¡oh, anong gitla nang kanyang mamasdan na bangkay n~g isáng bagong kasisilang!... tuman~gis ang puso; nagluksa ang dibdib at ipinagsaysay na: «¡Baka n~ga itó, ang anak kong hirang!» Kanyang ikinubli doon sa pangpan~gin, pumasok n~g bayang may in~gat na lihim at nakibalita; sa tinanongtanong ay kanyang nalining na ¡itinapon n~ga ang anak ni Tuning!...