United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Naginhawahan ako sa pagkahayag ng isa sa mga salita ng Diyos, at una kong ikinangiti; nguni't hindi ko napag-alamang lubos sa isang sandali, hindi ku pa napag-uunawa ang hindi ipinabatid sa tao ni ang bumubuhay sa tao . Natira akong isang taon sa inyo; ang barini ay naparito na nagpasadya ng mga bota, mga botang dapat magluwat ng isang taon na hindi man lamang mahihiwid o masisira man.

Napangiti akong muli ng pumarito ang barini , sapagka't naihayag sa akin ang ikalawang salita; at ngayon, pagkakita ko sa mga bata ay ikinangiti kong pangatlo sa pagkarinig ko ng ikatlong salita ng Diyos. Tinanong siya ni Semel: sabihin mo sa akin, Mikhail kung bakit ka pinarusahan ng Diyos at kung anong mga salita ito upang malaman ko naman.

At sumagot si Mikhail. Sumisilang sa akin ang liwanag, sapagka't ako'y naparusahan; hinatulan ako ng Diyos at ngayo'y pinatawad na ako; ako'y napangiting makatatlo sapagka't dapat akong makarinig nga ng tatlong salita ng Diyos at aking nangarinig. Narinig ko ang una ng mahabag ang iyong asawa sa aking kaabaan, yaon nga'y una kong ikinangiti.

At aking naalaala ang ikalawang salita ng Diyos: Iyong malalaman ang hindi ipinabatid sa tao . Ang sumasatao ay nalalaman ko na . Nalaman ko nuon ang hindi ipinabatid sa tao . Hindi ipinabatid sa kanya ang pagkukulang sa kanyang katawang ikinangiti ko.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap