United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang sinulat ng mga pari, ay nalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babai na di ilinilihim ng mga pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kung magkaminsan pa'y dinadagdagan ng mga kayabañgan at karumihang hindi mapaniniwalaan ... Di ko maulit dito ang mga di ikinahiyang sinabi ng isang fraile kay Mas na di nito mapaniwalaan ... Sa tuing maririnig ó mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang lahat ng babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying tagalog; ñguni kong sakali't magsumbatan at maglatlatan ng puri'y ... Datapua't lisanin ko ang bagay na ito, sapagka't dí ako paring confesor, ó manunuluyang kastilá, na makapaninirá ñg puri ng iba.