United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nawalán ka na ba ng pag-iisip at nalimutan mo na kung sino akó, akó na iyóng kaharáp?" "Hindî pô akó nakalilímot: kayó po'y isang hámak na táong gaya ko rin, na sa kasamáang palad ng bayang itó, ay náhalal na magpunò sa kanyá." "Ah!" ang sambót ni Kápitang Memò "kinikilála mo palá akóng pinunóng ínahalál, ay bákit at ganyán kung ikaw'y mangusap sa áking haráp? Bakit áyaw mo akóng igálang?"
Ang aking tinuran ay tibok at utos n~g katotohanan. Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali, naman sa pan~garap, ako'y isang Hari; kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi, hamog sa umaga, ban~gong walang pawi, ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi at ang nagsasabi'y nabatu-balani.
Ang luha sa mata'y laging bumabalong, ang aking damdamin ay linilingatong, ang kulay n~g madla'y malamlam na hapon, ang ayos n~g lahat ay parang kabaong. Sa aking paghiga'y laging nakikita ang iyong larawan, dakilang dalaga ikaw'y maniwalang ako'y umaasa na di aabutin ako n~g umaga.