United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pakatantoin mong sa tangapi't hindi sa oras na ito'y hindi makikimi itong aking puso. Soledad. Ikaw'y namamali at di matutupad ang lahat mong mithi. Susun~gaw sa bintana si Vico . Agong. Ang sabing mataas huag ipan~gahás ang lahat kong nais pilit matutupad. Soledad. Matutupad mo n~ga't ani mo'y malakás ang m~ga bisig mo; ¡lalaking ...! Vico. ¡Pan~gahás! Agong.

Ang buhay n~g tao'y hindi panaginip, ang mundo'y di mundo n~g hirap at sakit, aking mapapasan ang bigat n~g lan~git kung sasabihin kong: Kung ikaw'y umibig . Tag-ulan... May nan~gagsasabing masama ang ulan, may nan~gagagalit sa lusak na daan, ako ang tanun~gi't... aking isasaysay na ang tan~ging gloria'y ang pagtatampisaw.

Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay, Ang ban~go, ang tamis, ang kasariwaan, Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay Ang hamog, ang sinag, ang tuwa't ang buhay. Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad, Ang kagandahan mo'y aking ikakalat Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag. Kung may naghahanap sa bukang liwayway Sa kabataan mo ay matatagpuan, ¡Di ko malilimot ang ganda mong iyan!

Ang pulá n~g labi, ang puti n~g bisig, ang kinis n~g noong wari'y walang hapis, ang lahat n~g samyo sa silong n~g lan~git ay isinangla mo kung ikaw'y umibig. Ang lahat sa iyo'y kulay n~g ligaya, ang lahat sa aki'y n~giti n~g sampaga, kung magkakapisan ang ating pag-asa ay magiging mundong walang bahid dusa.

Pan~galang sing-ban~go n~g m~ga sampaga, laman n~g tulain, hamog sa umaga, awitan n~g ibong kahalihalina, bulong n~g batisang badha n~g ligaya. Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas, upang magkadiwa ang aking panulat, sa aki'y sukat na ang ban~go mong in~gat upang ikabuhay n~g imbi kong palad. Ikaw ang may sala!

Kaya't kung sakaling ikaw'y may paglin~gap kung may pagtin~gin ka sa imbi kong palad, ay mangyari mo n~gang iligtas sa hirap ang kabuhayan kong sawa sa pan~garap. =Ang iyong pangako= Sa iyo, Pitiminí .

Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig ang lahat n~g sumbat sa aki'y ikapit, ang m~ga sumbat mo nama'y itititik sa dahon n~g aking lagás na pagibig. Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa sa iyo, kaylan ma'y hindi magbabawa, sa iyo sisikat ang isang umaga na dala ang aking magiging ligaya.

Ang alin mang bayan, ang alin mang hulô, ang alin mang pook, pag may Apô-apô ay hindi uunlad, may magandang pusô, ang santong matuid palagi n~g likô. Pagkathâ ko nito bumabasang giliw, hindi ko na náis ang ako'y purihin kapamanhikan ko't mataos na lambing kung babasahin mo, ikaw'y magsalamin.

Walang kailan~gang mamatay sa dusa Huwag ang bawiin ang pagkikilala, Aking katuwaan kung ikaw'y makita Sa piling n~g aliw na di magbabawa. Aking matitiis na sarilihin ko Ang lahat n~g pait sa buhay na ito Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.

Magkakahiwalay itong ating palad na gaya n~g Dilim at Haring Liwanag, ikaw'y magtatago't... sa pamamanang at may ibayo kang gayuma't pan~garap. Samantalang ako'y tan~ging magtatago sa utos sa akin n~g Hukóm na Puso, sa pagliliwayway ay talang malabo ang makakatulad n~g aking pagsuyo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap