United States or Pakistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung sa ibáng âraw icáw'y may mápansin Bulaclac na abâ sa dukhâ cong libíng, Sumílang sa guitnâ n~g damóng masinsín, Hagcá't ang halíc mo'y itaós sa akin. Sa samyó n~g iyong pagsuyong matamís, Dalisay na guiliw n~g may sintang dibdib, Bayâang tumanggap noo co n~g ínit Sa pagcápalibing sa lúpang malamíg.
Idalán~gin mo rin ang kinapós pálad Na nan~gamatáy na't yaóng nan~gaghírap Sa daming pasakit, at ang lumálan~gap Naming m~ga iná n~g luhang masacláp. Iyong idalán~gin ang bao't ulíla, Ang nan~gapipiit na pinagdurusa; Iyong idalán~ging icaw'y matubós na Sa pagca alíping láong binabata.
Salita Ng Araw