United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ganito ang pinagkasunduan na namin ni Elsa, samantalang hindi pa kayo napapanhik sa bahay n~g kanyang kapatid sa Pasay. Humigit-kumulang ay nahulaan n~g lalaki ang taglay na kahulugan n~g m~ga salitang yaon. Kaya't ni kataga n~g pagayon, ni kataga n~g pagtutol, ay wala siyang isinagot. Ang ibig niyang mangyari, kung magagawa lamang, ay ibaling na sa iba ang kanilang paguusap.
¡Ang lalaki n~ga naman! ¡kailan ma'y lalaki rin! ang parinig ni Elsa. ¡Mangyari pa! Gaya rin naman n~g katotohanang ang babae ay babae rin kailan man, isinaklaw ni Tirso. Datapwa't hindi ang lahat ay may hilig sa ganyan.... Humigit-kumulang ay parisparis na kayo, ang sabad ni Dioni. Mayroon din naman sa aming kalaban n~g ganyang ugali. Halimbawa: ako.... ¿Ikaw? Oo.