United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang araw n~g paglilitis ay sumapit. At ang maluwang na bulwagang yaon n~g Hukumang Unang Dulugan ay napuno sa dami n~g taong nanoód n~g paglilitis. Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu n~g tatlong anák nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang asawang sa loob n~g panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man nangyaring kausapin.
Ang mga abogado na kapag nagtatanggól sa isáng paglilítis, ay walang nalálakasán kundî payák na pahángin at daldal, mga paikot-ikot at walâng katuturáng pangungúsap, ay paraparang kinasúsunukán, kinarírimaríman at hindi pinagdídidiníg sa loób ng mga hukúmang ináabot ng liwánag ng siglo XX... Ang tinatangkílik, ang kinasasabikán, ang dinídinig, ang kiníkilingan, di man sinasadyâ, ng hiyáng ó simpatía ng isang taál at pantás na hukom, at yaóng abogado na di nagaaksáya ng salitâ, yaóng di nagsasalitâ kundi kailángan, yaóng maalam ihayág ang ibig sabihin sa íilan at pinilìng salitâ, yaóng malumánay, banáyad, dapwa't matibay at matalínong mangangatwíran, yaóng bawa't bigkasín ay may kahulugán, bawa't isalaysáy ay malínaw at mahúsay iyán ang túnay na abogadong dapat kilalánin ng lahat.