United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagawa na nila ang malaking pagkukulang; naganáp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa n~g sinoman sa haráp n~g isang dakilang layon at adhika. ¡N~gayon nila natutuhang panghinayan~gan ang m~ga pagsusumikap ni Mauro...! ¡Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa m~ga taksil at walang pusong m~ga manggagawang yaon!

; datapwa't ang m~ga taksil, ang m~ga Hudas, ay siyang nagwasak at magwawasak pa n~g nalalabing pagkakaisa n~g m~ga nagsiaklas sa pamamagitan n~g ... at si Mauro, sa laki mandin n~g pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw n~g kanyang sulatán at tuloy na napayukayok.

At upáng malubós ang pagpapakilala n~g adhikâng itó sa aming man~gagiging, mangbabasa, kung sakalì, n~gayón pa'y malugód na't magalang na ipinatátalastás namin sa kanïlá ang m~ga aklát na sa kasalukuya'y niyáyarì sa loób n~g Aklatang itó : =Ang Mánanabong, Ang Pangginggera, Bagong Hudas, Ang Sakim, Bagòng Parì at ibá't ibá pa.=

Marami at madla ang m~ga kandidato na ang han~garin lamang ay kapurihan ó madan~gal, at wala yaong tunay na tibukin n~g paglilinkod sa bayan, lalo na sa m~ga maralita. Kung ang m~ga ito ang inyong maihalal ay walang iniwan kayo sa Hudas na nagkanulo sa inyong Mananakop, na, kayo rin ang humanap n~g taling ginamit ninyo sa inyong pagbibigti.

Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at sa pamamamagitan naman nitó, ay makaipon n~g m~ga taong dapat na ipasok sa Pagawaang inaklasan.