United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa mabuti niyang ginawang paraan man~ga loob naming lahat ay tumapang kaya n~ga't ang hindi sumukong kalaban nalagak sa kampo ang kanilang bangkay. Yaong kay Honradong katapan~ga't liksi dinaig ang gayong kalabang marami sa balitang Paris ay di mahuhuli yaong karahasang di sukat masabi.

Gayon din ang lahat nang kaginoohan parapara sila na nakipagkamay tan~gi si Honradong bayaning General na siya n~ga lamang kahulihulihan.

Sa hiling na yaon ang Ama'y pumayag at di muna ibig habagin ang Anak kung kaya tumaning ang himalang dilag ay sa paghihintay sa nalayong dilag. Nang limang taón na't labingisang buwan ang sa kay Honradong pan~gin~gibang bayan ang tatlong Imperyo'y pinagpaalaman nang paguwi sa kaniyang kaharian.

Lalo ang Princesang mahigpit ang atas na huwag bayaang araw ay lumipas sa laking hinayang sa pusong matapat niyong si Honradong loob na banayad. Wika nang Princesa'y ang taning kong bigay sa iyo ay hustong limang taon lamang sa parurunan mo ay huwag mabalam nang hindi mainip akong maghihintay.

Sa luwal na laa'y nang dumating sila tumigil at sila'y nagpaembahada sa man~ga Musulmang lumabas pagdaka at pasisimulan ang pagbabatalya. Di lubhang nalaon nama'y napaluwal at ginanap nan~ga yaong paglalaban at namook namang leon ang kabagay itong si Honradong bayaning General.

Mayari ang sulat ay ipinadala sa tapat na loob na kaniyang Dama nang sa kay Honradong laman ay mabasa ang sakit nang puso ay naululan pa. Saka n~g sa Damang saysayin ang bagay niyong sa Princesang laging paghihintay yaong si Honrado ay sinisi naman ang pagkalaon sa ibang kaharian.

Ligaya nang Ina'y paganhing isaysay gaya ni Honradong sapupo nang lumbay agadagad siyang gumawa nang liham gayari ang sabing nan~gapapalaman. Alan~gan mang kahi't sa kamahalan mo na pahatdan liham nang imbing lagay ko ay aking hinamak ang lahat nang ito ayon sa hirap kong nagbuhat sa iyo.

Oras na daraa'y panghinayan~gan mo ayon sa malaking awa ko sa iyo pahalagahan mo ang bilin kong ito't laging gunitaing naghihintay ako. Yayamang kung gayon kay Honradong saad na ang pagirog ko'y iyong minatapat ay magpupumilit na ako'y hahanap niyong karan~galan buhay ma'y mautas.

Samantalang di pa dumarating naman ang bunying Princesa ay napagusapan nang man~ga konseho't nang tan~ging General at naibalita yaong pagkakasal. Nang sa kay Honradong balita'y matatap ang masidhing lumbay sa puso'y tumarak kundi nahihiya sa man~ga kaharap ang luha'y ibig nang sa mata'y pumulas.