United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Urbana cay Feliza . MANILA.... FELIZA: Cun icao at ni Honesto, ay maanyayahan sa isang piguing, ay dagdagan ang in~gat at maraming lubha ang pagcacamalan.

Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo.

Cun macarinig nang di catouiran at di mapan~garalan ang nan~gusap, ay paraanin; cun ang marinig ay lihis sa catotohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan. Si Honesto,i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganang sarilí at sa paquiquipagcapoua, tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pagaralan nang isang batang cristiano.

Cun may causap sa lansan~gan, na maguing mahal mang tauo, ó capoua bata, ay itutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap, at houag magasal han~gal. Adios. Feliza, hangan sa isang sulat. Si Urbana cay Felisa . MANILA.... FELIZA: Dito,i, ang ipahahayag co sa iyo, ay ang aasalin ni Honesto, sa paquiquipagaliuan sa capoua bata, at ang paglalaro cun siya,i, lumaqui na.

Si Feliza cay Urbana . PAOMBON ... URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matatáas na hatol na inilalaman mo sa iyong mán~ga sulat. Cun ang batang ito maquita mo disin, ay malulugód cang di hamac at mauiuica mo, na ang caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan.

Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi. Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya.

Si Honesto, Feliza, pagpilitan mong matuto, sapagca,t, capurihan mo,t, caran~galan naman niya. Cun nagtatacá ca,t, aco animo,i, isang dalaga, ay hindi bagay ang gumauá nang madlang bagay na dito,i, sinasabi, ang sagot co sa iyo,i, di co guinagaua,t, di co nacacayanan, palibhasa,i, di ucol sa babaye. Isinulat co sa iyo,t, nang may pagcaaninauan si Honesto. Adios, Feliza, in~gatan ca nauá nang Dios.

Tanto co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.

Alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at houag namang mahuli. Feliza, si Honesto palibhasa,i, bata, hindi malayo na sa paquiquipagcapoua tauo, ay magpaquita nang capusucán nang loob; cun macarinig nang uicang di dapat, cun magcabihira,i, di macapagpaparaan, caya pan~gun~gusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo.

N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni Honesto. Adios Urbana. Si Urbana cay Feliza . MANILA ...

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap