United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Ang lalong masakit nito ay ang ginawa niyang walang pigil na pagsasalita sa akin sa naririnig n~g aking hipag, n~g hipag kong matagaltagal na ring may hinalang lihim sa ating m~ga palagayan. Limpaklimpak daw na kahihiyaan ang itinapon ko sa harap n~g m~ga taong dumalo sa Pandakan...."

N~guni, ang totoo, si Elsa n~ga ay madali nilang napanibaguhang malungkot noon at siya rin namang kaagad ibinulong n~g hipag na si Dioni at ipinagbilin pang huwag pagpapansinin pagka't walang anoman. Kaya, ang isinagot na lamang n~g isa sa kanila'y: Kung ganyang ikaw ay may dinaramdam na kalungkutan, ay ibig naming makiramay sa iyo, Elsa.

Kapag nabigo pa naman ako sa pagkakataong ito'y talaga na lamang na sa kasawian ako nauukol.... Nalalaman niya na sa gabing yaon na kanyang ipinagaanyaya ang isang pagsasalo, ang kapatid niya't hipag ay hindi daratnan ni Tirso sa bahay, sapagka't ayon sa gayakang pinagkasunduan, hapon pa n~g araw na iyo'y magpapauna na sa Pandakan ang magasawa upang dalhin ang ilang bagay na iaalay sa maypiging.

Nang sila n~g hipag ko ay bago magtun~go sa bayang nasabi ay hiniling ko sa kanilang ako'y iwan na at may katipanan lamang na ilang kaibigan dalaga na sa gabi na darating doon. Naniwala sila. At pinakahintay n~gang darating ako sa Pandakan n~g ang kasama'y m~ga babae ring paris ko.

Si Dioni, na nagpanukala n~g pagpapayari n~g magagarang balatkayo na magagamit niya't n~g kanyang iminamahal na hipag, ay dili ang hindi nagsaloob n~g paninibago sa m~ga kilos nito, nang mapuna niyang tinatangihang pawa at sinasalubong n~g paghingi n~g paumanhin ni Elsa ang lahat n~g anyaya n~g m~ga tanyag na ginoong kaibigan at dating kasamasama sa m~ga liwaliwan, m~ga anyaya para sa isang gabi sa "Auditorium" o sa panonood kaya n~g coronacion o n~g alinman sa m~ga magaganda't malalaking kasayahang idaraos sa loob n~g karnabal.

N~guni, sa halip na kilalaning paggalang sa kalubhaan n~g m~ga sandaling tinatawid niya ang katuturan n~g di pan~gan~gahas ni Dioni na gumambala sa kanyang kusang pagtatago sa silid, na siyang tan~ging tunay na ibig sabihin n~g ginawa n~g hipag niyang ito, ay ipinalagay ni Elsa na marahil ay nasusuklam na n~ga sa kanya pati ni Dioning sa una't una pa'y pinakamahal na niya't itinuring na katapatang lihim na walang kasingbait.

Si Dioni namang may likas na mababang luha na madaling dumadamay sa sinomong dinaratnan n~g ligalig sa buhay, ay maghapong halos ayaw umalis sa kusina na wari bagang walang pusong maitatagal kung makarating sa kanyang m~ga pangulinig at mamalas n~g kanyang m~ga panin~gin ang tinan~gistan~gis n~g kanyang magandang hipag.

Sa han~gad na masalisihan ang pagkawala sa bahay sa Pasay n~g kapatid ni Elsa, at upang maparating na maluwag ang damit na kanyang hinihin~gi, ay minabuti na nitong huwag nang ipagsama sa "Hospital General" ang kanyang hipag.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap