United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapwa't ang babae, na kapatid n~g kahinaang loob at hinlog n~g pagkasalawahan, ay madaling nagmamaliw, lumilimot sa pan~gako at kumikita n~g bagong ligaya sa lilim n~g pakikipagsuyuan sa iba. ¡Oh, gaanong pagasa n~g lalaki ang nalibing sa laot n~g kapariwaraan, sanhi sa ganyang pagkakabilanin n~g di iilang babae!...

At isinasamo co pa sa iyo na ipaquilala mo ang libritong ito sa iyong man~ga hinlog, man~ga catoto,t, man~ga caquilala, at nang sila nama,i, gumanap nang man~ga bilin dito: at cun magcaganoon ay mahahadlan~gan ang marami sa man~ga capahamacang dala nang masasamang libro,t, casulatan.

Itó namán ang pan~gatlong sulat na canyang ilinagdâ, na nagpapakikilalang nakikinikinitá na niyang maaamís ang canyang búhay sa canyang pag-owî dito sa bayang kinakitâan niya n~g unang liwanag: "Sa m~ga Filipino: "Totoong mapan~ganib n~ ang aking guinawâ ó ang aking gágawin, at hindî co kinacailan~gang sabihing pinag-ísip co munang magalíng bago co itinulóy. Talastás cong aayaw na gawín co itó halos ang lahát; datapuwa't talastás co rin namang hindî alám n~g halos lahát ang nangyayari sa aking púsò. Hindî mangyayaring mabuhay acó na aking nalalamang maraming nan~gagdurusa sa m~ga walâ sa catowírang sa canila'y pag-uusig dahil sa akin; hindî mangyayaring mabuhay acóng aking pinanonood ang aking m~ga capatid at ang canilang maraming m~ga hinlóg na pinag-uusig na waláng pinag-ibhán sa m~ga táong tampalasan; minámagaling co pang lumulóng sa camatayan, at ipinagcacaloob co n~g boong towâ ang aking búhay upang máligtas lamang ang pagcaramiraming m~ga waláng málay-sála sa gayóng walâ sa catuwirang pag-uusig. Talastás cong naaatang sa akin ang isáng bahagui n~g sasapitin n~g aking tinubuang lúp