United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Yaon ang tahanan ng tampalasang sumukáb sa aming mag-amá. Ibig kong tumákas, dapwa't ako'y nakúkulong. Ibig kong magpatiwakál dapwa't may nakabantay sa akin áraw at gabi. Anó ang minarapat kong gawín?... Ang Diyós ay di ko na tinawágan! Hindî ko na siya hiningán ng abuloy!... Ako'y nádalâ na!... Walâ akong túlong na inaasáhan noón kundî ang kabayanihan ng kasump
Si Cristo'y dí humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral.
Iyán ang mga táong may mga matá ay di makakita, may mga taynga ay di makadiníg. Kapag hiningán ng pasiyá sa isang panukálang binálak ó inayunan ni Kápitang Memò, siláng lahat ay pawang mga áyon; nguni't hindi silá sangáyon kapag nákitang iilíng-ilíng ang kanilang panginóon, ang kanilang Diyos!
Salita Ng Araw