United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa pagcá't gayón ang ipinag-útos n~g curang malakí. ¿Síno bâ ang curang malakí? ang tanóng ni Ibarra. ¿Síno? Ang nangháhampas, si parì Garrote. Hinaplós ni Ibarra ang canyáng nóo. Datapuwa't ¿masasabi pô bâ ninyó sa amin man lamang ang kinalalagyan n~g húcay? Dapat ninyóng matandaan. N~gumitî ang maglilíbing. ¡Walâ na riyán ang patáy! ang mulíng isinagót n~g boong catahimican.
Naupô ang gobernadorcillo sa sillóng nacalagáy sa ibabâ n~g larawan n~g harì, macaapat ó macálimang umubó, hinaplós ang úlo at ang mukhâ, inilagáy ang síco sa ibabaw n~g mesa, inalís, mulíng umubó at gayón ang paúlit-ulit na guinawâ.
Salita Ng Araw