United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bumalic na si Ibarra at canyang hinanap si María Clara. Nan~gagsicapit sa canya ang natatacot na m~ga dalagang pawang nan~gan~gatal at nan~gamumutla; dinarasal ni tía Isabel ang m~ga letanía sa wicang latin. N~g pagbalicang loob n~g caunti ang m~ga tao sa pagcagulat, at n~g canilang matalastas cung ano ang nangyari, nag-alab ang galit sa lahat n~g m~ga dibdib.
¡Sa cawacasa'y nagbalic si capitang Tiago! Hinánap n~g m~ga babáe sa mukhá niyá ang casagutan sa maráming tanóng; datapuwa't nagbabalit