United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sumunod ka sa akin at n~g matantó mong ikaw ay nagkamali sa lahát n~g iyóng hinaka. Sukat na ang tugón n~g bilango kung papayagan mong ako'y magpatiwakal ay susunod akó sa iyó, n~guni't kung hindi, ay bayaan mo na akong magpakamatay dito sa gutom. Siya, ikaw ang bahala anáng pinuno n~g tulisan kung ibig mo ang magpakamatay ay gawin mo, n~guni't sumama ka sa akin.