United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang m~ga taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa m~ga yun~gib n~g m~ga bundok at ang tabi n~g libin~gan ay hinahainan n~g m~ga pagkain at sinisipin~gan n~g kaban n~g damit at kung lalaki ay sinisipin~gan n~g m~ga kasakbatang ginagamit nila gaya n~g sibat kalasag at ibp. tuloy pinababaunan n~g m~ga kambing baboy usa at ibp. at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay sinasamahan n~g aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang m~ga kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan n~g m~ga mangagaod at m~ga alipin na kanyang makakatulong at ang tawag dito n~g m~ga taga Bisaya ay bálon na sa Tagalog ay baon ; at kung babae naman ay m~ga kagamitan n~g babae ang isinisiping gaya n~g m~ga panghabi kayo at ibp.

Matapos ito ay inililibing n~g paupo sa yun~gib na kanilang ginagawa sa ilalim n~g lupa, saka hinahainan sa harap n~g isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at n~g iba't ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos n~g kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani Delgado, ay naaáyon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitágoras.

Ang m~ga kabaong na ito ay inilalagay sa tatlong dako, ayon sa ibig at pasya n~g namatay: sa itaas n~g bahay na kasama n~g m~ga hiyas ó sa ibaba kaya sa lapag ó kun dili ay sa silong na inilalagay sa hukay na di tabon at nababakuran, saka sinisipin~gan n~g isang baul na punô n~g m~ga pinakamaiging damit n~g namatay at tuloy hinahainan n~g sarisaring pagkain sa oras oras.