United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nangyari isáng araw, na samantalang pinagpipihitpihit niyá ang isáng papel na ibinigáy sa canyá sa isáng tindahan, at ibig niyáng málagay sa tuwíd, nagpasimuláng kinawayán ang canyáng m~ga casamahan n~g isáng batang nanasoc sa escuela, magtawá at itúro siya n~g dalirì. Naririn~gig n~g táong iyón ang m~ga tawanan, at nakikita niyáng nagsásaya ang libác sa m~ga dî makikibuing mukhâ n~g nan~garoroon; naubos ang canyang pagtitiis, bigláng pumihit at pinasimulâang hinagad ang m~ga batang nan~gagtacbuhan, at sumísigaw n~g "ba", "be", "bi", "bo", "bu." Pinagdimlán n~g galit, at sa pagca't hindî siya mang-abot, sa canilá'y inihalibas ang canyáng bastón, tinamaan ang isá sa úlo at nábulagtâ; n~g magcagayo'y hinandulong ang nasusubasob at pinagtatadyacán, at alín man sa nan~gagsisipanood na nanglilibac ay hindî nagcaroon n~g tapang na mamag-itan. Sa casamaang palad ay nagdaraan doon ang inyóng amá. Napoot sa nangyari, tinacbó ang maninin~gil na castil
Salita Ng Araw