United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang uica ni San Ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid, naquiat sa alapaap, nag sumagui sa man~ga bitoin, naquiquiit sa man~ga Angeles, nag tuloy sa candun~gan nang Ama, hinan~go ang Verbo nang Dios, ipinanaog sa lupa,t, pinapag catauan tauo. Dito matantó nang man~ga magulang ang cataása,t, camahalan nang hiyas na pamuti nang anac nilang dalaga; Virgen ang Ina nang Dios.
Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang namumulaclac na suhâ, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~gò, pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang pato at tagác na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa ejércitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa ang tun~gò, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa i, tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari.
JOSEFO. Dahil sa mabañgo ang buñga sa lupa, Na dili umano pilit magbubuig dito sa Maynila puno ng lansones cahiman bumaba hangang himpapauid hindi tutulutan ng nunuñgong lañgit. Na ang ibubuñga maluoy sa uica malunot sa sabi't mahulog sa lupa caya mag tatamo ng mga biyaya ang baua't maglinang sa mga tumana.