United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hanggang libingan naman! Hindi ka kaya makalimot? Habang tumitibok ang puso ko. Saksi nila ang mabituing langit. Ang liwanag ng buwan ay parang nalulugod na bumabati sa kanilang pagkamapalad. Ang simoy ng hangin ay parang nagbabalita sa madla ng pagkamapalad ng dalawang puso: ni Eduardo at ni Leoning.

Nguni't ang aking kaligayahan ay naparam na animo'y aso sa bahagiang simoy ng hangin, sapagka't nalipat kami ng bahay at may nagsabi sa amin ng ako'y palaging nakakagalitan ng aking guro sa dahilan daw na ako'y madalas na hindi makalisyon, at, sukat bang ang tatay ko'y maniwala at ipinagbawal pa sa akin ang pagpapasyal...?

At, palibhasa,i, ang panahon ay ualang catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, ó masama man ang simoy nang hangin, ó ang singao nang lupa, ay dumating din ang oras , na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay.

Búcas pagca-umaga nga cun manungao acong biglá, hangin sa bundóc tatama ay pumasoc sa bintana. Caya hayo na don Juan utos co'i, sundin mo lamang, cundi mo magaua naman capalit ang iyong búhay. Umalis na capagdaca at sa bahay omoui na, nang maca-Ave María naparoón ang princesa. Ang uinica sa caniya ó don Juang aquing sintá, ay anó ang utos bagá nang aquing mahal na amá.

Ang mga ngiti niya, ang kanyang mga titig, ang kanyang mga sulyap na dating iniuukol sa iyo, ay kinain nang lahat ng laho, sinakmal ng ulap at tinangay ng hangin sa alapaap. Ay! Walang palad na binata! Di akalaing si Leoning ay lilimot. Walang malay, walang malay na binatang ngayon ay sinisiklot ng bagabag, at nagpupuyos ang damdamin sa mga dalamhati. Kaawaawang binata!

Ang paro't parito n~g simoy n~g hangin, nakapagdudulot n~g lamig at aliw datapwa't kung gayon ang iyong pag-guiliw, ay lubos katulad n~g isang pag-hamak at wala na akong hihintáy hintaying matapat sumintang hantun~gan n~g daing.

Sa calamigan nang hangin at tantong caalio-alio, ay agad nang nagupiling itong príncipeng butihin. Ano ay caguinsa-guinsa doon sa pagtulog niya, siya nangang pagdating na mahal na ibong Adarna. At sa tapat ni don Juan sa cahoy na sinilungan, namayagpag at naghusay balahibo sa catauán. At saca siya nagcantá nang tantong caaya-aya, don Juan magbangon na sa tulog mo'i, gumising ca,

Waring nagdudulot sa kanya ng lugod ng puso at kaligayahan ng damdamin. Kay sarap ng simoy ng hangin! Anong sarap kung masanghap! Kay bango ng simoy na dala ang mga kabanguhang humahalimuyak sa mga bulaklakan! Ang gabing yaon ay isang gabing puno ng pangarap at tulain! Sa kanya, ang gabi, ay waring nagpapahiwatig ng isang kaligayahan ng puso!

Kaya minsan ay sinabi na tuloy sa kanya ng manggagamot na si Dr. Velasquez, na, siya ay magbakasion sa malalamig na pook, sa mga pook na hindi mainit. Magpunta siya sa mga malalamig na pook upang makasagap ng mabuting simoy ng hangin. Kailangan ang ikaw ay magbakasion sa malamig na pook, tulad sa Los Banos, sa Bagyo, sa Lukban, sa Sibul, o dili kaya ay sa may ibang bahaging malayolayo sa siudad.

Salamat na lamang at ni ano mang balitang kumalat ay wala na siyang pinangingilagan. Mabuti at lihim na lamang na nangyari ang lahat na di naalaman ng tao. Kaya't ang pangyayaring yaong nagbigay ligalig sa di iilan ay nagdaang parang walang ano man: nalihim sa madla. Ang simoy ng hangin ng gabi ay kay sarap samyuin!

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap