United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang hari'i, di macagalao sa catre niyang hihigan, at di naquiquilalang tunay ang anác na minamahal. Ay sa uala ring magbadyá na magsabi sa caniya, ang ibong na sa jaula ay nangusap capagdaca. Namayagpág at naghusay nag-linis na nang catauán, balahibo'i, pinalitao anaquin ay guintong tunay. At nagcantá nang ganitó abá haring don Fernando, quilalanin mo ngang totoó ang naninicluhod sa iyo.

Nang isang gabing tahimic itong hari'i, na-iidlip, capagdaca'i, nanaguinip sa hihigán niyang banig. At ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang anác na si don Juan pinag lilo at pinatay. Ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumatáy, inihulog at iniuan sa balón na calaliman. Sa pananaguinip bagá nitong mahal na monarca, nagbangon capagcaraca sa hihigán niyang cama.

Capagdating ni don Juan hari'i, nangusap pagcuan, di co yata mabayaran ang lahat mong capagalan. Saca ngayon ang isa pa muling uutusan quita, anang príncipe at badyá ay iyo pong sabihin na. Sa canitang pagpapasial sa castillong cariquitan, ang singsing cong minamahal nahulog sa caragatan. At sa gabi namang ito yaón lamang ay cunin mo, sa umaga'i, maducot co sa ilalim nang unan co.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap