United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kapag salapi n~ga ang siyang nagutos ay payayanigin itong sangsinukob, at sa pagka't kasal n~g isang Rupertong sa yaman ay bantog kung kaya ang handa'y di masayodsayod. Papanhikang bahay ay sakdal n~g dilag at sa palamuti'y natatan~ging agad; palibhasa'y yaman, ang siyang naghari, ang siyang nagatas kaya nagigitla panauhing lahat.