United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Natupad caya ang nais na hadlan~gan ang bawa't tun~go ni Rizal? ¡ah! hindi n~ga at lalong nagsigla, bagcus nag alab ang sidhi n~g namumuksa, sumulac ang dugo at mandi'y iniukit sa pitac n~g dibdib, caya't hindi tinugutan hangang sa maibagsac ang pamamahalang walang matuid na pinananangnan ang sulsol at hicayat n~g ilang malabis nating kinapopootan.
Tumupad si Fr. José Rodriguez n~g boong casipagan sa canyang mahigpit na catungculan, at sinabi naming mahigpit, sa pagca't walâ n~g mahirap gawing gaya n~g piliting hadlan~gan ang mahinusay na lacad n~g pagsulong n~g m~ga carunun~gan at n~g pagcakilala n~g tawo sa canyang sariling camahalan; tulad naman sa halíng na mag-acalang masasalaan niya ang ilog Pasig, at n~g ang tubig na umaagos doo'y howag macarating sa dagat.