United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang nag-aagaw gising sa pagtulog si Kadiliman ay nanaginip na siya'y linapitan n~g Kaluluwa n~g isang Frayleng may taglay na lubid na kabo-negro, at nagsalita n~g: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! magsisi ka na n~g iyong m~ga kasalanan, ako ang biyenan mong iyong ipinan~gan~galandakan n~g sama, kaya't ang mamanahin mo na lamang ay ang aking solar at bahay, huwag na ang aking kasamaan; tinatalian sa paa si Kadiliman n~g kabo-negro, samantalang sinasabi ang salitang ito; sumagot si Kadiliman n~g binabatak ang hinin~ga, nagsisisi na po ako Papá, lumayo ka na lamang sa akin at siyang paglapit n~g m~ga kalulwa ni Rizal, Burgos at Zamora, taglay ang tig-isang ilaw, lumapit sa kanang dako n~g kinahihiligan ni Kadiliman, ayon sa kanyang panaginip at nan~gagsabing: ¿Hindi ba iniwan namin sa Pilipinas ang iba't ibang tanglaw upang pagliwanagan ang napadadalá pa sa ulap n~g kasamaan? ¿Bakit ipinaghahanap buhay mong palagi ang aming n~galan? magsisi ka at malapit n~g pumanaw ang buhay mo Kadiliman; siyang pagdating n~g tatlong demonyong naglalakihan ang sun~gay na may m~ga taglay na sibát at inaasintá ang puso ni Kadiliman, saka nan~gagsalita n~g ... sapagka't masamang budhî ka sa iyong m~ga kababayan at madalas mong ululin, ang puso mo ang aming sisibatín, inakmaan n~g sibát, hindi pa halos umaabót sa dibdib ni Kadiliman ang saksak ay napasigaw n~g: patawarin ninyo ako't di ko nalalaman ang aking ginawa; siyang pagkagising ni Kadiliman at humin~ n~g tubig sa asawang nalulunos, kumuha kapagdaka si Lolay at pinainom ang kaawa-awang maysakit, n~g matapos makainom, tinanong ni Lolay n~g: ¿Anong nangyayari sa iyo't ga ikaw ay naghihinagpós? ¡Oh asawa ko! ang naitugon, kakila-kilabot na bun~gang tulog ang sa aki'y dumalaw, panaginip na nagbigay gambala sa ating sinasaad n~gayong pagdaralita.

Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang m~ga kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising sa laot n~g m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang tan~ging kasama noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang kahoy na maaaring magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman.

At pagkalikmong magkaagapay sa isang sopang luma, ay muli na namang nagusisa ang matandang sa mukha ay kinababakasan n~g pagkabagong gising noon. Sabihin mo n~ga, hija anya: ¿bakit ba hatinggabinghatinghatinggabi'y naparito ka? Ibig ko lamang pong dito muna makatulog....

Ang m~ga masalapi ay nagsisipagpagawa sa kanikanilang mananahi n~g m~ga kasuutang ikatatampok nila't ikauun~gos sa gayak n~g iba: m~ga sutlang kayong pulangpula na animo'y dugo, mayroon namang dilaw na nakikipan~gagaw sa kulay n~g apoy, at may lungtian pang nagbabalita wari n~g pananagana sa lahat n~g bagay n~g taong sa kanya'y nagpapakahibang ... Ang m~ga maralita naman, sa kabilang dako, ay nagtatamad sa paggawa, ilang araw na di sisipot sa pinapasukan, nagsasangla n~g isang tumbagang singsing o n~g isang hilakong hikaw, na tan~ging hiyas n~g kanilang karukhaan, nan~gun~gutang n~g salaping patubuan at ... bumibili n~g isang murang balatkayo, isang nakan~gising maskara, upang sa likod n~g m~ga ito'y sandaling limutin ang kanilang kahinubong pagkasahol sa buhay, at sandali ring makilahok sa m~ga halakhaka't panunukso sa kakilala't hindi man.

Kung gabi at ako'y nahihilig na sa hihigan, sa piling ng minamahal kong ama, ay lagi akong balisa, napipikit man ang mga mata ko'y gising din ang aking diwa. At ilan pang araw na gayon ang aking dinanas. Kami ng Nanay ko'y naparoon sa lalawigan ng hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Sa aming paglalakbay ay wala akong nakasama liban sa pighati.

Ang babae ay bahagi n~g Katauhan, isang kailan~gang kapag nawala, ay wala na rin ang buhay. Dito nasasalig ang paniniwala at m~ga kurokuro ni Tirso tungkol sa kadakilaan n~g babae. Siyang tuntuning sinasagisag niya sa ibabaw n~g mababang ugali n~g ibang lalaking gising sa kamaliang dulot n~g mundo.

Kung hindi sa malaking pagtitiwala ko sa kabayanihan n~g puso mo, bakit ba't di ko pa ipagtatapat, ay sa ako'y sadyang kalaban n~g pagpapakunwari, ay hindi sana ako bumalangkas n~g kasinun~galin~gan sa harap n~g kapatid ko't hipag, at disi'y di ka naman nagkaroon n~g maliligayang sandali sa pan~gan~garap n~g gising sa piling ko kagabi...."

"Juancho! Juancho! Gísing, gísing ka, tamád. Dilát ka na ba? Halíka rini't ikaw ay makiníg... Susunód ka, ha?... Pag hindi, baság ang iyóng ulo; hále, lumukólukó ka!... Ikaw ay mang-aágaw ha? aagáwin mo ha?... Alám mo ba kun bakit?... kun bákit di ka maibig ni Elena?... Dáhil kay Gerardo! Si Gerardo'y pinatáy ko, ikáw ang umágaw sa kanyáng katipán?... Ha? at naágaw mo na ba?... Mabuti kang bat