United States or Christmas Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ano pa't kung aking págunamgunamin sanhing nagbibigay guló n~g panimdim kung ano't sa m~ga ulirang susundin doon tumutubo ang PUNO N~G DILIM. Ito sa dibdib ko ang matinding bikik at dahil n~g aking luhang naguiguilid kahimawari'y magsipanumbalik ang nan~gáliligaw sa Daang Matuíd.
Sinusundan nila'y ibong lumilipad na bilang patun~go doon sa paglacad, anopa't natunton ang tunay na landas caya n~ga't toua nila'y hindi hamac. Pinagca-alama't magpahaga n~gayo'y laguing nakikita ang nasabing ibon, nang nan~galiligaw sa gubat na yaon pinapatnuguta't daa'y nang matunton.
"Siya kayâ yaong maningning na Ilaw na pumapatnugot sa Sangkatauhan, panan~glaw sa gabí n~g nadidiliman at sa may pighati'y pang-aliw na tunay Badhang taga-turo n~g iisang daan sa m~ga alagad na nan~galiligaw?"